Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. Pumili ng tatlo mula rito at ibigay
ang iyong dating kaalaman, natuklasan o natutuhan, at ang nabago sa dating
mong kaalaman batay sa binasang talata. Gamitin ang talahanayan sa ibaba at
isagawa ito sa inyong sagutang papel
1
Ang matagal na panonood ng TV. pagbababad sa paglalaro sa computer
at cellphone ay nakasisira ng mata. Maaaring makaramdam ng pagkahilo
at panlalabo ng paningin at kung hindi ito maagapan ay maaari itong
ikabulag
2
Sa panahon ng pandemya ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga
matatanda edad 60 pataas at mga bata edad 20 pababa. Ito ay dahil sa
higit na mahina ang kanilang resistensya at madaling mahawahan ng
virus.
3
Ang pag-inom ng walong basong tubig araw-araw ay mainam sa ating
katawan. Sa pagpapanatili ng tamang lebel ng tubig sa ating katawan ay
maaaring makaiwas tayo sa iba't ibang sakit.
4
Isang sikat na boksingero at senador na si Manny Pacquiao ay mula sa
isang mahirap na pamilya, nagsikap sa buhay kaya narating ang rurok
ng tagumpay
5.
Ang walang habas na pagputol ng mga punongkahoy ay may masamang
maidudulot sa kalikasan. Maaaring magdulot ito ng pagbaha, pagguho
ng lupa at higit sa lahat ay wala ng matitirhan ang mga hayop