Gawain 6 Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Ibigay at ipaliwanag ang sariling pagpapakahulugan sa mga salitang sinalungguhitan. Halimbawa: Si Maria ay pumayag na maging kabiyak ng puso ni Juan. Sagot: kabiyak ng dibdib - Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan. Paliwanag: Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na sila sa mga desisyon sa buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso. 1. Ang pag-iisang dibdib nina Simon at Clara ay dinaluhan ng mga taong kilala at may mataas na tungkulin. 2. Naniningalang pugad si Kris kay Alex kaya binigyan niya ito ng isang malaking teddy bear. 3. Matalas ang ulo ni Lexi kaya siya ay nakakuha ng pinakarnataas na marka sa klase. 4. Makapal ang palad ni Helena kaya nakaraos siya sa kahirapan. 5. Huwag mong tuksuhin si Ana dahil mababaw ang kaniyang luha