Tayain Natin Panuto: Tukuyin ang titik ng pinakawastong sagot. Isulat ang sagot sa papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga kaugalian na naipamana ng ating mga ninuno?
A. kultura B. pilosopiya C. relihiyon D. tradisyon
2. Ang kanyang mga katuruan ang naging gabay ng sinaunang Tsino sa pamumuhay.
A. Amaterasu B. Asoka C. Confucius D. Jayavarman II
3. to ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones at Korean sa pinagmulang lahi ng kanilang mga emperador.
A. Animism B. Divine Origin C. Men of prowess D. Sinocentrism
4. Ano ang sinaunang relihiyon ng mga taga- Timog-Silangang Asya?
A. Animism B. Buddhism C. Hinduism D. Islam
5. Ito ang tawag sa pinuno ng relihiyong Islam.
A. cakravartin B. caliph C. devaraja D. emperador
6. Paano nagiging isang cakravartin ang isang hari?
A. Kapag siya ay maayos mamuno B. Kapag siya ay mula sa lahi ni Prinsipe Hwanung C. Kapag tinanggap niya si Allah bilang kanyang diyos D. Tinanggap niya ang Budhismo at ginawang batayan sa pamumuno ang mga katuruan nito.
7. Paano nakaapekto ang basbas ng langit sa pagkakaroon ng iba’t ibang dinastiya sa Tsina?
A. Hindi maaring palitan ang mga emperador. B. Dahil banal ang pinagmulan ng lahat ng emperador. C. Kailangang may mapatunayan ang kanilang pinuno sa pamumuno ng kaharian. D. Dahil ang langit ang siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa emperardor para mamuno.
8. Alin sa mga sumusunod ang batayan ng mga taga -Timog-Silangang Asya sa pagpili ng kanilang pinuno?
I. Dapat siya ay may basbas ng langit. II. Siya ay tagapamagitan ng mga diyos at tao. III. Ang pinuno ay dapat mula sa lahi ni Amaterasu. IV. Siya ay dapat nagtataglay ng kakaibang galing, tapang at katalinuhan.
A. I at III B. II at III C.II at IV D. I at II
9. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pahayag ukol sa kaisipang Asyano?
I. Iba-iba ang kaisipang ginamit ng mga sinaunang Asyano. II. Nakabatay ang kapangyarihang politikal ng mga pinuno sa lahing kanilang pinagmulan III. Ang mga kaisipang ito ang ginamit na gabay ng mga pinuno sa pagbuo ng kanilang imperyo. IV. Malaki ang impluwensiya ng pilosopiya at relihiyon sa pamumuno ng mga sinaunang Asyano.
A. I at III B. II at III C.III at IV D. I at II
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa pagpili ng pinuno ng mga sinaunang Tsino?
I. Ang pamumuno ng mga caliph ay nakabatay sa Qur’an. II. Kinakailangan na yakapin ng emperador ang relihiyong Buddhism sa pamumuno. III. Ang langit ang pumili o nagbibigay ng basbas sa emperador na mamumuno sa kaharian. IV. Hindi napapalitan ang emperador ng Tsina sapagkat banal ang kanilang pinagmulan.
A. I, II, at III B. II, III, at IV C. I, II, at IV D. I, III, at IV