Karagdagang Gawain
hann af unawain mong mabuti ang teksto sa ibaba. Isulat mo sa iyong
sa
papel ang palsa o ideya ng teksto.
Mangosteen:Mahika ng Kalikasan
Ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway. Disyembre - 2003
May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas
sapagkat kakaiba at natatangiito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing
paborito ni Reyna Victoria ng Great Britain.
Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong
lumaki. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na
dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta nito
ang bunga. May mga dahon itong manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas,
malinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-
tuldok na pula. Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa
labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito sa mga ornamental na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi
naman na mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa
mga tropikal na bansa ito madalas na tumutubo.
Paksa:
![Karagdagang Gawainhann Af Unawain Mong Mabuti Ang Teksto Sa Ibaba Isulat Mo Sa Iyongsapapel Ang Palsa O Ideya Ng TekstoMangosteenMahika Ng KalikasanNi Ligaya Ti class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d59/adb5d924abcd09421d05040e936490fb.jpg)