Isinulat ni: Cheryl Joy B Junio Sa murang edad dahil sa kahirapan ay mangang namulat si Joana sa iba't ibang gawain sa bahay. Maaga pa kung umalis ang kanyang ama at ina upang maghanapbuhay. Ang kanyang ina ay nagtitinda ng mga kakanin at ang kanyang ama ay namamasada. Sa edad na anim na taon ay naturuan na siyang magwadi mag-igib, maglaba at magsaing. Subalit isang araw, kahit marunong na siya sa mga gawaing bahay hindi parin maiaalis ang pagiging bata niya na mahilig maglaro. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro ay tinawag siya ng kanyang ina para magluto ng kanin Sumunod siya ngunit may pagdadabog at umiiyak. Habang nagsasaing siya ay umiiyak, di niya namalayan na dumikit na pala sa damit niya ang nakasinding gasera. " Inay, tulong!" ang sigaw ni Joana habang nagliliyab ang kanyang damit at siya'y nasusunog. Sa gulat ng kanyang ina at pag-aalala ay tinalon niya ang kanilang bintana sa kusina upang puntahan siya, patayin ang apoy na nagliliyab sa damit ni Joana Napatay nga ang apoy ngunit kinailangan siyang dalahin sa ospital dahil sa natamong paso. Ilang araw ding namalagi si Joana sa hospital hanggang maghilom ang kanyang sugat. Magsisi man si Joana, kung sana'y sininod nalang niya ng maayos ang iniuutos ng kanyang ina hindi sana nasunog ang kanyang damit. Wala na rin siyang magagawa dahil habang buhay ay dala-dala na niya sa kanyang peklat sa kanang braso malapit sa kanyang kili-kili. Isang aranasang maari sanang maiwasan kung sumunod lang siya ng di-nagdadabog at umiiyak habang nagluluto.