Kkozumekenmago Kkozumekenmago Filipino Answered Matapos mong matunghayan at mapag-alaman ang pagtukoy sa pangunahin at pantulong na kaisipan na katatapos mo lamang pag-aralan, maaari mo nang sagutin ang sumusunod.Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na talata at tukuyin ang pangunahin at pantulong na kaisipan. Bilugan lamang ang pangunahing kaisipan at guhitan naman ang mga pantulong na kaisipan.1. Iminungkahi ni Gregorio del Pilar kay Emilio Aguinaldo na siya at ang animnapung tauhan niya’y magbantay sa Pasong Tirad upang sila ang humarap sa mga tumutugis na sundalong Amerikano. Layunin nitong mapabagal ang mga Amerikano at makalayo ang pangkat nina Aguinaldo mula sa mga kaaway. Labag man sa kalooban dahil sa panghihinayang sa batang heneral na naging matapat sa kanya ay pumayag si Aguinaldo.2. Kadalasan, ang mga pinakamahalagang bagay na dapat nating malaman ay ang mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata. Ilang taon na ang nakararaan nang maipasa ang Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Act. Ang batas na itoay naglalayong tugunin ang isa sa mga mabahong suliranin ng ating bansa – ang tamang pamamahala ng ating basura. Marami ang ipinagbabawal ng batas na ito. Ilan dito ay mga Gawain na kinagisnan o kaya ay kinasanayan ng maraming Pilipino, tulad halimbawa ng pagsusunog ng babsura sa kalsada, bukas na lugar at harapan o likuran ng bahay.3. Hindi maikakaila na marami pa irn sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal. Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. Tunbay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin ng mga Pilipino. Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain at pananaw. Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.