Engaging Scenario: Ikaw ay isang kilalang reporter sa inyong lugar. Karamihan sa iyong mga iniuulat ay tungkol sa mga mahahalagang pangyayari o kaganapan sa inyong lugar. Kaugnay nito, ikaw ay naatasan ng alkalde ng inyong lugar na bumuo ng isang pag-uulat na ibabalita sa News Channel ng inyong lugar Ang iyong isusulat na balita ay dapat maglahad ng alinman sa mga sumusunod: kultura, paniniwala, mga kilalang lugar o pagkain, natatanging personalidad, relihiyon, at iba pang bagay na magpapakilala sa inyong lugar Inaasahang mababasa sa iyong ulat ang mga naging epekto ng mga mananakop sa kultura ng inyong lugar.