Nalalapit na ang halalan. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa inyong barangay, isa sa mga proyektong nais niyong ilunsad ay ang proyektong “tinta mo para sa bayan” na naglalayong magbigay gabay sa responsableng pagboto ng mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng isang jingle na ililibot sa araw-araw sa bawat purok ng inyong barangay. Sa paggawa nito, pipili ka ng isang awitin na paglalapatan mo ng liriko ng inyong kanta (hindi jikli sa tatlong stanza). Gamitin mo rin ang iba't ibang ekspresiyon sa pagbibigay ng pananaw at pagbabago ng pananaw sa pagpapahayag ng nilalaman.