Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang at ibigay ang
kahulugan ng mga salitang initiman batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Inilagay niya ang buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong hindi niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at ngayo’y nanggigipuspos siya dahil sa mga hirap na maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa sa pangitain ng bukas na puspos ng pagsasalat at paghihorap ng kalooban.
2. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
3. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.
4. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaeng Briton na siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan.
5. “O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.”
6. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon.
7. Kung kani-kanino siya nanghiram,lumagda sa mga kasulatan,pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot.
8. Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Mathilde ay maghapong naghihintay na sapupo ng di-matingkalang pangamba.
9.Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya,maging kahali-halina,kaibig-ibig, maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.
10.Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa.
Ang mga initiman salita
1.pagsasalat
2.nagbabantulot
3.alindog
4.lumbay
5.kahabag-habag
6.balintataw
7.manghuhuthot
8.sapupo
9.pangimbuluhan
10.Nagulumihanang