👤

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Suriin ang iyong naging kasagutan sa Gawain 2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Sa iyong palagay, paano mo nasagutan nang maayos o mabilis ang mga
produkto o kompanya na nagtataglay ng mga nabanggit na islogan?
2. Ano ang implikasyon ng paggawa ng islogan sa mga mamamayan at sa
kompanya na bumuo nito?
3. Batay sa iyong natutuhan, ano ang kaugnayan ng turismo sa advertisement?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Isang uri ng print advertisement ang brochure
na madalas gamitin ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar
na nais nilang puntahan. Tulad ng ibang uri ng advertisement, kailangan itong
paglaanan ng panahon, sapat na detalye at masusing paglalagay ng iba't ibang
larawan at disenyo na angkop sa tema at layunin ng gagawing brochure.
Narito ang mga gabay sa pagsusuri ng isang proyektong pang turismo o
travel brochure. Hanapin ang kahulugan o paliwanag ng bawat gabay. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
MGA GABAY
1. Nakapupukaw-pansin na pabalat
2. Alamin ang target audience
PIVOT 4A CALABARZON​