👤

Panuto: Ibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa napapanahong isyu o
balita na ginagamitan ng panandang diskurso na mababasa sa loob ng kahon.
Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.
1. Patuloy na inirerekomenda ng isang infectious disease expert ang paggamit ng
face shield bilang dagdag proteksyon kontra COVID-19. Ayon kay Dr. Edsal
Salvana, nagsisilbi ring technical adviser ng Department of Health, apat na beses
na mas malakas ang bagong variant ng COVID-19 na Delta variant kumpara sa
orihinal na virus Sinabi pa ni Salvana na 40 percent na mas nakahahawa ang
Delta variant kahit nasa labas o outdoor. Mas makabubuti na aniya na magsuot
ng face shield bilang dagdag proteksyon. Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong
Duterte
sa mga ospital na lamang gamitin ang mga face shield.
Sagot:
2. Sinang-ayunan ni Senator Christopher "Bong" Go ang sentimyento at
paninindigan ni Pangulong Duterte na wala pang mangyayaring face-to-face
classes sa mga paaralan hanggang hindi pa nababakunahan ang maraming
Filipino at hindi nakakamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19
pandemic. "Ang importante sa amin ni Pangulo ay ang buhay ng bawat Pilipino,"
iginiit ni Go. Sinabi ni Go sa panayam sa kanya sa Tondo Medical Center matapos
pangunahan ang pagbubukas ng ika-129 Malasakit Center na patuloy na
nakapokus ang gobyerno sa vaccination program nito bago ikonsidera ang face
to-face classes sa susunod na school year. (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2021 -
12:00am
Sagot:
3. Kasama na sa P57.3 bilyong inutang ng gobyerno para sa pagbili ng COVID-
19 vaccines ang P25 bilyong kakailanganin para mabakunahan na rin ang mga
kabataan. Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson at aniya, base sa datos mula sa
Philippine Statistics Authority (PSA), kinakailangan lang ng P30.46 bilyon para
bakunahan ang 68.2 milyong Filipino.
Sagot:​