👤

(K) kung ang pahayag ay kanais-nais at (DK) kung di-kanais-nais. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno sa EsP:

1. Nakaaapekto ang kakayahan sa pagkamit ng minimithi sa buhay.

2. Hindi hadlang ang kahinaan sa pagkamit ng pinapangarap.

3. Nakatutulong ang kaalaman sa pagpapahalaga ng iyong interes sa buhay.

4. Ang pansariling kakayahan ay isa sa mga kailangan sa pagkamit ng minimithi sa buhay.

5. Ang kahinaan ay di dapat mangingibabaw sa isang tao.

6. Ang pamumuhay ng mga magulang ay nakaaapekto rin sa pagkamit ng minimithi sa buhay ng isang anak.

7. Ang paglalaro ng gadgets ay nakahahadlang sa pagkamit ng minimithi sa buhay.

8. Mas magiging maayos ang buhay kung nakatapos ng kurso.

9. Ang kursong teknikal o bokasyonal ay hindi makapagbibigay ng magandang kapalaran.

10. Mas magiging angat ang iyong buhay kapag ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral.

11. Ang pagpasok nang maaga sa klase at paghanda sa mga gawaing pampaaralan ay hindi nakatutulong sa pagkamit ng mithiin sa buhay.

12. Ang pakikisama sa mga barkada ay magtutulak sa iyo sa kapahamakan.

13. Ang kasipagan sa pag-aaral at pagsali sa iba’t ibang organisasyon sa paaralan ay nakatutulong sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

14. Ang kahinaan mo sa isang larangan sa iyong pag-aaral ay magbubunga ng kabiguan sa iyong mga pangarap.

15. Magulang ang sisisihin kapag ang kanyang anak ay hindi nagtatagumpay sa kanyang pag-aaral.