upang maipakita at maibahagi ito sa iyong kapamilya. C. Panuto. Ibahagi ang mga sariling likhang sining tungkol sa Philippine Artifacts at lumang tahanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng payak na eksibit sa inyong tahanan at sundin ang mga sumusunod. 1. Pagsama-samahin ang lahat na natapos na likhang sining. 2. Maghanap ng munting sulok sa inyong bahay. 3. Gumawa ng isang payak na eksibit gamit ang iba't ibang drawing na nagawa mo. 4. Gawin mong maganda at kaaya-aya ang iyong eksibit. Imbitahin ang miyembro ng iyong pamilya na bisitahin ito. 5. Kunan ng larawan ang nagawang payak na eksibit upang maipakita sa iyong guro sa pamamagitan ng messenger o video call. 6. Suriin ang ginawang payak na eksibit at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik.