Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag- iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya
pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa
ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay,
pero gayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito sa dalang supot ng ama.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang
hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod,
habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong
ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga
halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anomang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang
basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa
ang yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira na kanilang nailigtas
nagsalosalo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
QUESTION:
7. Batay sa wakas ng kwento, masasabi bang nagbago na ang ama? Pangatwiranan