Panuto:Basahin ang sumusunod na talata at ibigay ang paksang diwa nito
1. Ang Sampaguita ang ating pambansang bulaklak. Taglay nito
ang puti at bango na gustong-gusto ng mga tao. Ito rin ay ginagamit na
palamuti at isinasabit sa mga santo sa altar at simbahan.
Paksang Diwa: ______________________________________________
2. Kaagapay ng mga magsasaka sa bukid. Walang pagod sa
pagbubungkal ng lupa na pagtataniman ng mga magsasaka ng palay o
iba pa. Kalabaw ang kilalang pambansang hayop ng bansa.
Paksang Diwa: ______________________________________________
3. Ang Narra ang ating pambansang puno. Matibay at mayabong
na puno. Sa paggawa ng materyales at kasangkapan ay maaaring
gamitin. Ipinagmamalaki ang mga kasangkapang gawa rito sa loob o
labas ng ating bansa.
Paksang Diwa: ______________________________________________
4. Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman. Nariyan ang
mga yamang-lupa, tubig, gubat at mineral. Walang kapantay ang
kagandahang taglay nito na umaakit sa mga dayuhan upang mamasyal
sa Pilipinas. Marami na rin sa mga dayuhan ang nais nang manatili at
mamuhay sa ating bansa.
Paksang Diwa: ______________________________________________
Ang araw ng Linggo ay ang araw ng aming
pamilya. Ito ang araw na sama-sama kaming
nagsisimba at namamsyal sa parke. Ito rin ang araw
na sabay-sabay kaming kumakain. Ang pagsapit ng
araw na ito ay talagang kinasasabikan ko.
6
5. Likas sa mga Pilipino ang pagiging magalang. Ang paggamit ng
magagalang na pananalita tulad ng ‘po at opo’ ay tanda ng paggalang
natin sa nakatatanda. Ang pagmamano at paghalik sa kamay ay ilan
pang halimbawa ng pagpapakita ng paggalang.
Paksang Diwa: ______________________________________________