👤

1. Panuto: Tukuyin kung saang aspekto nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A- Agrikultura
B- Ekonomiya
C- Panahanan

1. Ang mga magsasaka at mangingisda sa Timog Silangang Asya ay karaniwang nakatira sa bahay kubo. 2. Ang South Korea ay kabilang sa mauunlad na bansa sa Asya, ang pangunahing industriya ay ang kagamitang elektroniks, kotse, kemikal, paggawa ng barko, bakal, tela, damit, sapatos, tainelas, at pagpoproseso ng pagkain.
3. Maliit na bansa ngunit mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei. Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas ng krudo, petrolyo at natural gas 4. Kilala ang bansang Malaysia bilang nangunguna sa pagluluwas ng goma dahil sa pangunahing itinatanim dito ang rubber tree at palm tree.
5. Ang bansang Vietnam sa Timog-Silangang Asya ang nangungunang exporter ng bigas na mahigit 6.5 tonelada kada taon sa buong daigdig.
6. Sa Japan, ang mga magsasaka at mangingisda ay karaniwang naninirahan sa malalayong pulo ng bansa.
7. Ang mga tirahan sa Bhutan ay kailangang makatagal sa mahaba at napakalamig na klima.
8. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilang mga bansa ay gumagamit ng makabagong makinarya
9. Maraming mga bansa ang mayaman bunsod ng kasaganaan sa likas yaman.
10. Ang pagdami ng tao ay magdudulot ng kakulangan sa tirahan.​