👤

Isagawa Ikaw ay isang tour guide sa isang Travel and Tours Company na nakabase sa Mindanao partikular sa Rehiyon Dose. Nais mong ipakita ang kagandahan at mayamang kultura ng Rehiyon. Bumuo ka ngayon ng travel brochure na makatawag-pansin makaakit sa mga turista na dalawin, puntahan at pasyalan ang iba't ibang lugar sa Rehiyon o sa SOCCSKSARGEN. Tandaan, gamitin mo ang iyong mga natutuhan tungkol sa pagbuo ng proyektong panturismo. Gamitin ang mga impormasyong iyong nasaliksik upang makalahad ng makatotohanang travel brochure. Maging malikhain din kung paano mo isasaayos ang mga larawan at higit sa lahat gawing malinis ang iyong gawa upang lubusan itong mapahalagahan ng iyong target na customer. Huwag kalimutang isaisip ang katanungang ito kaibigan habang ginagawa ang travel brochure. "Paano ko makokombinse ang mga tao na pumunta sa amin gayong katatapos lang ng COVID-19? Samantala, makikita sa ibaba ang pamantayan kung paano kayo bibigyang grado sa nasabing gawain. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.​