Ang lalawigan ng Rizal ay mayaman sa tradisyon, kultura, sining at kabuhayan na namana mula pa sa sinaunang kabihasnang Asyano Matatagpuan din sa iba't ibang bayan ng lalawigan ang maunlad at masaganang kapaligiran. Sa kasalukuyan ay patuloy na iniingatan at isinasabuhay ng mga Rizalenyo ang mga pamanang ito. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang patuloy na mapahalagahan ang pamana ng sinaunang kabihasnang Asyano? Bakit mahalagang patuloy na ito ay mapangalagaan? Paano mo mapapaunlad ang iyong mga hilig kasabay ng pangangalaga sa kabihasnang pinagmulan? Halika at simulan mo na! Gumawa ka ng talaarawan o diary ng iyong gawain. Gamiting gabay ang mga katanungang nabanggit at maaaring hingin ang patnubay ng kasapi ng pamilya sa pagsasagawa nito. Talaarawan Ilagay dito sa bawat araw mula Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes hanggang Sabado ang bawat gawain na sa tingin mo ay magpapakita ng pagpapahalaga sa tradisyon tulad ng kultura, sining, at kabuhayan na namana sa sinaunang kabihasnang Asyano.