- Likhain Natin Panuto: Basahin ang dayalogo sa ibaba. Sumulat ng isang talata na binubuo ng 5 pangungusap tungkol sa maaaring mangyari sa paksa ng kanilang usapan. Gumamit ng mga sawikain na angkop sa paksa at isulat ang kahulugan nito. Makikita sa ibaba ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos. Ang magkapatid na sina Pedro at Jose ay nag-uusap nang masinsinan. Kuya, si tatay ngayon ay nagbibilang ng poste dahil sa bawal silang bumiyahe gamit ang dyip natin. Talagang nakakalungkot kuya, si nanay naman ay laging lantang gulay kapag umuuwi galing sa palengke