Sa pagkakataong ito, mangunguna ka sa pagpapahalaga sa sinaunang kontribusyon sa pamamagitan ng paggawa ng script ng isang talk show. Nakasalalay sa iyong gagawing script at tanong ang magiging kabuluhan ng palabas. Nakakasabik ito sinisigurado ko sa iyo. Kaya gawin mo na ang Gawain 7.
Gawain 7: Past Talk - Script Writing Panuto: Ikaw ay magiging scriptwriter ng isang palatuntunan. Mayroon tatlong bisita na kakapanayamin: isang historian/ archaeologist, isang politiko, at isang mag-aaral na kumakatawan sa mga kabataan. Bago sila makakapanayam ng host, gumawa ka ng script at sampung makabuluhang tanong para sagutin ng mga bisita. Tatlong tanong bawat bisita at isang tanong na maaring sagutin ng lahat ng bisita. Pagkatapos, isulat mo rin ang posibleng sagot nila sa iyong mga katanungan. Ang script, mga tanong at posibleng kasagutan ay isusulat mo sa hiwalay na papel.