Suriin ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng mga pangyayari sa alamat. Isulat ang Mo DM sa patlang. 1. May mga pook na tubigan sa Alaminos, Pangasinan. 2. Noong araw, ang mga namumuno ay tinatawag na Rajah o Datu. 3. May mga dayuhang nagtangkang dumaong sa ating kalupaan noong araw. 4. Magigiting at matatapang ang ating mga ninunong Pilipino. 5. Ang mga namatay na mga mandirigma ay naging mga pulo-pulong isla sa gitna ng katubigan. 6. Ang lalawigan ng Laguna ay sagana sa mga pananim. 7. Maraming puno ng lansones sa Laguna. 8. May mga marka ang bawat liha ng lansones. 9. Naging ligtas kainin ang lansones matapos markahan ito ng babae. 10. Sa kabila ng pagkatuyo at pagkamatay ng ibang mga puno, nanatiling buhay at sariwa ang puno ng lansones.