Subukin Tiyak kong marami nang tumatakbo sa iyong isipan ngayon. Ikinagagalak kong ikaw ay talagang nasasabik na matutong pagyamanin ang sarili nating kasarinlan. Kaya naman narito ang mga tanong upang subukan ang iyong mga natutunan noong ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang. que : niswet Panuto: Tukuyin ang tamang uri ng karunungang-bayang ginamit sa pahayag. Hanapin sa kahon ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. a. Bugtong b. Salawikain c. Sawikain d.Kasabihan 1. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal. 2. Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon. 3. Sinakal ko muna, bago ko nilagari. 4. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. 5. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan. 6. Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop. 7.Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy. 8. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kainin. 9. Akala mo'y mabait ngunit bantay salakay naman pala. 10. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
![Subukin Tiyak Kong Marami Nang Tumatakbo Sa Iyong Isipan Ngayon Ikinagagalak Kong Ikaw Ay Talagang Nasasabik Na Matutong Pagyamanin Ang Sarili Nating Kasarinlan class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d80/3d1865da0d3b70ecfc17ca5707d142ba.jpg)