Piliin ang salita o lipon ng mga salita sa loob ng pangungusap na tumutukoy sa
dahilan ng pandarayuhan at isulat sa sagutang papel.
1. Kahirapan ang sanhi kaya lumipat sa lungsod ang pamilya ni G. Ramos.
2. Sa Sulu ay may mga pamilya na ibig makaiwas sa kaguluhan at labanan.
3. Nagpaalam si Lorna sa kanyang mga kaibigan, pupunta siya sa siyudad
upang mag-aral sa pamantasan.
4. Malamig ang klima sa Baguio kaya marami ang gustong manirahan dito.
5. Mabilis ang biyahe sa mga makabagong transportasyon tulad ng MRT.
6. Nagbukas ang isang malaking shopping mall sa lungsod ng Taguig.
7. Pinasinayaan ang proyektong pabahay sa lalawigan ng Cavite.
8. Pinipiling tirhan ng mayayaman ang lungsod ng Tagaytay dahil sa magandang
tanawin at klima.
9. Nangibang bansa si Marites at nagtrabaho sa Canada.
10. Lumikas ang mga Aeta sa kapatagan nang pumutok ang Bulkang Pinatubo.