👤

Hanay A
1. Matibay ang walis palibhasa'y
nabibigkis
2. Ang mabuting halimbawa, ay
higit na mabisa kaysa pahayag
na dakila
3. Sa panahon ng kagipitan,
nakikita ang tunay na kaibigan.
4. Ang magalang na sagot ay
nakapapawi ng poot
5. Kung may tiyaga, may nilaga
6. Sa paghahangad biyaya at
kagitna, isang salop ang nawala
7. Nasa Diyos ang awa, nasa
tao ang gawa.
8. Ang katamaran, kapatid ng
kagutoman
9. Aanhin ang bahay na bato,
kung ang nakatira ay kuwago.
10. Ang lumalakad nang
matulin, kung matinik ay malalim.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.





Hanay B
A. Paninindigan at pagsasakripisyo sa
sarili at pamilya ay makatatanggap ng
biyaya at magandang kinabukasan
B. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama
o pagkakaisa
C. Sasamahan ka sa pait at ligaya.
Tutulungan kang malagpasan ang lahat
ng pagsubok na darating sa buhay.
D. Ang paggawa ng Mabuti ay dapat
hindi ang malagpasan ang lahat ng
pagsubok na darating sa buhay.
E. Pag-isipang Mabuti ang bawat
desisyonsa buhay kung makasasama o
makabubuti sa iyo upang hindi magsisi
sa huli.
F. Ang paghahangad ng sobra-sobra o
kasakiman ay naghahatid sa kawalan.
G. Ang Diyos ay maawain, mahabagin at
mapagmahal. Tiyak na hindi pababayaan
ang tao sa mundo ngunit kailangan
dinng tao na magsumikap at kumilos
upang mabuhay ang sarili.
H. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi
nagsusumikap sa buhay ay magugutom.
1. Ang pagsagot ng po at opo o walang
kabastosan ay nagtatanggal ng galit.
J. Hindi mahalaga kung ano man ang
iyong katayuan sa buhay kung hindi ang
pagpapakita ng kagandahang-asal