👤

1. Ang datu ay tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang nasasakupan. 2. Pinayuhan ang datu ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. 3. Pinakasalan ng datu ang dalawang babae si Hasmin na mas bata s datu at si Farida na kasinggulang ng datu. 4. Naisip ni Hasmin na bunutan ng puting buhok ang asawa upang magmukhang magkasinggulang sila ng asawa. 5. Binunot ni Farida ang itim na buhok ng asawa upang hindi siya magmukhang matanda.​