👤

Gamit ang mga salitang nagsasaad ng pagsang-ayon at pasalungat, buuin ang mga pangungusap sa bawat bilang upang makapagpahayag ng opinyon.



Ang Pandemya
Di mo inasahan ang pandemya pero dumating sa buhay mo. Isang laganap na sakit na nagpatigil sa pagtakbo ng kapaligiran mo. Maraming namatay na kamag-anak, kakilala, isang ama, isang ina, isang kapatid at ang mga kasama sa trabaho. Hindi na mapigilan ito.
Sinubok ang iyong pasensya at sinubok ang katatagan mo kung paano mo malagpasan ang isang pamumuhay na puno ng pag-alinlangan, kung paano maitawid ang pang-araw-araw na pagkain. Nagkaroon ng ayuda pero hindi sapat dahil matinding dagok ang binigay sa buhay ng mga tao.
Umaasang darating ang panahong mawawala ito at kung hindi man ay maitutuloy pa rin ang buhay ng dating kinamulatan.​