Alamin Sa araling ito matutulungan kang maunawaan ang kahulugan ng maikling kuwento mula sa bansang pinanggalingan nito, ang Pransiya (France), at ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda. Ang halimbawa ng Maikling Kuwentong ito, tulad ng akdang mababasa mo ay nagpapakilala ng mga katangian at kaugaliang ginagawa sa bansang pinagmulan ng akda. Kilala ang bansang Pransiya sa pagkakaroon ng malalawak na lupain at mayayamang mga tao. Paksa ng Maikling Kuwentong ito ang tungkol sa yaman at pag- uugali ng isang tao, gayundin ang paraan ng pakikitungo sa isang tao sa ngalan ng salapi. Ipinakikita rin dito na handang gawin ng isang tao ang kahit anong bagay na hindi iniisip kung ito ba ay makabubuti o hindi sa kanyang kapwa, makuha lamang ang kanyang ninanais. Mahalagang maging mapanuri sa mga alok o sa mga kasunduang may tila napakaganda at hindi kapani-paniwalang benepisyo. Sa kuwentong ito, mamamalas natin na "Huwag pasisilaw sa kinang ng ginto sa iyong harapan, dahil kung minsan, maaaring makapagdulot ito sa iyo ng habambuhay na kapahamakan". Inaasahan sa araling ito na: 1. Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig. tunay