Ang Tungkulin ng Pamilya sa Edukasyon, Paggabay, at Paghubog ng Paniniwala at mga Pagpapahalaga
Ang pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak ang pinakamahalagang bokasyon ng magulang. May pananagutan ang mga magulang na gabayan ang anak upang lumaki at umunlad ito sa mga pagpapahalaga at makabuluhang paniniwala. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at pinakamahalagang tungkulin ng mga magulang. Ang tungkuling ito ay walang kapalit. Mahirap ding ipaubaya o iasa ang tungkuling ito sa iba dahil maraming dapat isaalang-alang. •Sino ang maaaring pagkatiwalaan sa paggabay sa anak? •Ano kaya ang kaniyang ituturo? •Paano ang kaniyang paraan sa paghubog ng mga pagpapahalaga? •Ano ano kaya ang kaniyang huhubuging paniniwala?