paano nakinabang si ginoAng agribusiness ay maaring isang gawain na kaaya-aya tulad ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Maaaring mas higit pang gantimpala ang natatamo sa gawain na ito tulad ng patotoo ng dating overseas Filipino worker (OFW).
Si Roy Angcaco ay nagpapasalamat na nakabalik siya sa kanyang bayan sa Carmen North Cotabato. Noong taong 2000, siya ay tumatanggap pa noo ng buwanang sahod na Php. 40,000.
Ito ay mas malaki kaysa sa tinatanggap niyang Php. 12,000 bilang isang truck driver ng kompanya ng furniture sa Saudi Arabia sa loob ng ilang taon. Siya ay nagtapos ng kursong bokasyunal na automobile at pagkatapos ng graduation ay nagtungo siya sa Saudi Arabia bilang driver ng furniture sa loob ng ilang taon. Pagkalipas ng ilang taon, isang Korean ang nagbukas ng restaurant at siya ang kinuha bilang driver na may buwanang sahod na Php. 20,000. Ang trabaho niya ay maghatid ng mga in-order na pagkain sa restaurant. Kapag wala siyang ihahatid na pagkain, siya ay tumutulong sa gawain sa kusina kaya siya ay natutong magluto ng iba’t ibang pagkain tulad ng Chinese, Korean, at Japanese. Mahusay siyang magluto ng pagkain Japanese kaya ang isang Japanese restaurant ay kinuha siyang head chef na may buwanang sahod na Php. 40,000. Siya ay matipid at nakapag-impok ng malaking bahagi ng kanyang kinita. Bunga nito, siya ay nakabili ng 12 ektarya ng lupa sa halagang Php. 180,000 nang siya ay bumalik sa kanyang bayan noong taong 2000, at nagsimula sa pagsasaka. Sa ngayon, si Ginoong Angcaco ay nagtatanim ng mais at iba pang gawain tulad ng pangangalakal at pagpapautang sa ibang magsasaka na nagtatanim ng mais. Pinasok din niya ang pagtatanim ng ibang produkto tulad ng bigas, sugarcane, at rubber trees. Hindi nagkamali ng pagdedesisyon si Ginoong Angcaco na mas pinili ang pagpasok sa agribusiness kaysa maging OFW at magtrabaho sa isang restaurant.
Sagutin Ang Mga Tanong:
1. Ano ang konsepto na binibigyang-diin ng salaysay?
2. Paano nakinabang si G. Angcaco sa kanyang pagpili?
3. Ano ang oppurtunity cost ni G. Angcaco?
4. Paano pinaunlad ni G. Angcaco ang kanyang Agribusiness?
5. Anong aral sa buhay ang natutuhan mo sa kwento ng buhay ni G. Angcaco?ong angcaco sa kanyang pagpili