Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo Balikan Gawain 1: Concept Mapping Nakasulat sa kahon na sa nasa gitna ng graphic organizer ang salitang pagkonsumo. Nakakabi dito ang mga blankong kahon. Isulat sa mga ito ang mga salita o lupon ng mga salita na may kinalaman sa pagkonsumo. Matapos ito ay gamitin ang mga salitang inilagay sa kahon upang makabuo ng sariling pagpapakahulugan sa salitang pagkonsumo batay sa iyong natutunan sa naunang aralin. Gawin ito sa sagutang papel.