Gawain 2. Ngayon naman ay manood ka ng telebisyon o video sa youtube o makinig ng radyo o magbasa ng diyaryo at pumili ng isang patalastas o anunsiyo. Pag-aralan mo ito at sagutin ang mga sumusunod: Tungkol saan ang commercial o patalastas na napanood o napakinggan mo? Ano ang sinabi ng patalastas tungkol sa iyo? Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi ng patalastas na ito? Bakit? Bakit hindi? Ano-ano ang gamit ng impormasyon mula sa iba’t ibang source o pinanggagalingan nito? Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagsuri sa isang impormasyong nabasa, narinig, o napanood?