Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
(I) Pinagtawanan ng mga katangi-tanging punongkahoy ang kaawa-awang payat na kawayan. (II) Hitik sa bunga ang Santol at mayabong ang dahon ng Mangga. Higit na maganda ang bulaklak ng Kabalyero at malalapad ang dahon ng niyog. (III) Samantala, tanging ang mababang-loob lang na si kawayan na sumusunod sa ihip ng hangin lamang ang nanatiling di nasalanta. (IV) Isang araw, sa isang bakuran, may ilang punongkahoy na may kahanga-hangang katangian. Ngunit, sa isang tabi ay naroroon ang payat na kawayan. (V) Narinig ito ng hangin kaya nama'y pinalakas niya nang pinalakas ang pag-ihip nito. Nabuwal ang mga puno at nangahulog ang bunga nito.