👤

I Sa nakaraang aralin, ay natutuhan mo ang bahaging ginampanan ng likas na yaman sa paraan ng pamumuhay ng mga Asyano. Ang Asya bilang isang kontinente ay katangi-tangi sapagkat naririto ang napakaraming uri ng mga bagay na may buhay na patuloy na dumaraan sa isang uri ng ugnayan at bumubuo ng kapaligiran at kalikasang nililinang ng tao para sa kaniyang pamumuhay. Ngunit sa paghahangad ng tao na mas mapaunlad ang kaniyang gawaing pangkabuhayan ay ginagamit niya ang teknolohiya, mga imbensiyon, at inobasyon na nagbubunsod sa industriyalisasyon. Ano kaya ang naging epekto nito sa kalikasan? Ang susunod na paksa ay magbibigay sa'yo ng paliwanag tungkol dito, inaasahang maiisa-isa ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya, at naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon.

pasagot po salamat​​