Panuto: Sa hindi lalampas sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang mga nakatalang katangian ng wika. Patibayin ang paliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa gamit ang mga sitwasyong pangkomunikasyon sa mga napanood na programa sa telebisyon. Maaaring pumili ng programa mula sa mga nakatala sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. • Makapangyarihan ang wika. (TV Patrol, 24 Imbestigador, SOCO, Aksiyon TV5) Oras, •Malikhain ang wika. (Maalaala Mo Kaya, Magpakailanman, Home Sweetie Home, Pepito Manaloto) • Walang wikang dalisay o puro. (State of the Nation, Wish Ko Lang, Kapuso mo Jessica Soho, Rated K)