👤

Mga Mungkahing Gawain sa Pagsulat ng Kuwento
1. Pumili ng angkop na paksang nais isulat. Maaaring magmula ito sa sariling
karanasan, kapaligiran, dating kaalaman, at iba pa.
2. Ayusin ang kaisipang nais isulat. Bigyang-halaga ang sumusunod na tanong:
a. Sino ang mga tauhan?
b. Saan ito mangyayari?
c. Ano ang magiging problema?
d. Ano ang magiging resolusyon?
e. Ano ang magiging wakas?