Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang masusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyharihan ng Espanya sa pamamagitan ng pwersang military at kristyanisasyon BALIK-ARAL Panuto. Basahin nang may pang-unawa ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng lamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa mahinang bansa. A, kolonya B. Ekspedisyon C. reduccio D. tributo 2. Itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na paglalayag ni Magellan noong Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas A. Haring Carlos V C. Miguel Lopez de Legaspi B. Ruy Lopez de Villalobos D. Ferdinand Magellan 3. Ang nakadiskubre sa Pilipinas at nakapagpatunay na bilog ang mundo A. Haring Carlos V C. Miguel Lopez de Legaspi B. Ruy Lopez de Villalobos D. Ferdinand Magellan 4. Ano ang naging dahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas A. Misyong manakop ng mga lupain B. Misyong magkaroon ng maraming kaibigan C. Misyong magkaroon ng kayamanan D. Misyong magkaroon ng pangkabuhayan 5. Ang relihiyong dinala ng mga Espanyol sa ating bansa A. Paganismo B. Animismo C. Islam D. Kristiyanismo