👤

ano ang masasabi mo sa "Holy Roman Empire" plsssss pasagot po ng tama​

Sagot :

Answer:

Ang Banal na Imperyong Romano o Imperyo Romanong Banal ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano. Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto. Si Otto I ang unang Banal na Romanong Emperador noong 962 AD. Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano mula sa paniniwala ng pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.