👤

gumawa ng kwento na naglalarawan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao​

Sagot :

Answer:

Sa di kalayuan ay may dalawang mangangaso ang nakatago sa isang makapal na palumpong. Matiyaga nilang minamasid ang isang malusog na matabang baboy ramo na tahimik na umiinom ng tubig sa isang lawa. Tila ba ay parang hindi ito nakainom ng tubig ng ilang araw dahil sa agresibo nitong kilos sa paginom ng kanyang inumin.

Tinapik ng mama ang kanyang katabi bilang senyales. Handa na ang kanilang kagamitang gagamitin sa pangangaso maging ang kanilang paa sa pagtakbo upang mahuli ang nilalang at braso sa pagbuhat sa kanilang huli. Init ng araw ay kanilang isinangtabi maging uhaw ay hindi binigyang pansin dahil ang baboy ramo ay sapat na upang maging pabuya sa buong hapon nilang sakripisyo.

Nang napagtanto ng lalake na panahon na upang tirahin ng sibat ang baboy ay agad siyang tumayo, mahinhing ginalaw ang kanyang braso at hinanda ang kanyang paa. Dahan dahang niyang inangat ang kanyang sibat at agad itong inihagis sa baboy, akmang tatakas ang nilalang bagkus ang bilis at ang matalim na sibat ang nanaig. Masaya ang dalawa sa nangyari at dahil dun ay nagpasalamat sila sa kanilang Bathala at agad na nilapitan ang wala nang buhay na hayop na nakahandusay sa lupa.

"Tay, umuwi tayo ng maaga. Naghihintay na si Ina at Lola sa ating paguwi.", sabi ng lalake sa kanyang matanda nang ama. "Magkwekwentuhan pa nga tayo ng mga nakakatakot na mga kwento sabi ng nanay mo. Halika ka na at buhatin na natin ang ating nahuli.", pagpapaalala ng mama sa kanyang anak na ngayon ay hawak-hawak ang paa ng kaawa-awang baboy. "Isa pa po tay ay wag niyo pong kalimutan ang daang tinahak natin kanina. Eh, baka mapadpad tayo sa kabilang baryo.", malungkot na sabi ng lalake habang dahan dahan nitong inaangat ang baboy ramo kasama ang tulong ng kanyang ama. "Tama ka nga at baka masibat pa tayo ng mga naninirahan doon. Baka pa nga ay mapaghinalaan tayong mga espiya. Naku, ang babagsik ng mga tao dun.", pati na rin ang ama ay nagimbala sa sinabi ng anak sa magiging kinahinatnan kung sila ay hindi maingat sa mga bagay-bagay.

Matapos nilang binuhat ang baboy sa kanilang balikat ay agad silang humayo pauwi tahak-tahak ang daang kanilang dinaanan kanina. Hindi na sila nagdala pa ng kabayo upang hindi ito mapagod sa kakabuhat sa baboy ramo na kanilang nahuli.

At sa wakas, sa ilang oras nilang paglalakbay ay nakauwi silang dalawa sa kanilang kubong tahan kung saan ang kanilang pamilya ay masayang naghihintay sa kanila at walang dilubyo o kahit anong masamang pangyayari ang nakasalubong nila sa daan.

Explanation:

Hope it will help you. God bless.