A. Isulat sa patlang ang pang uring ginamit sa pangungusap. 1. Maputi ang balahibo ng aming asong si Akira. 2. Kuripot si Amy kaya asensado na sa buhay. 3. Masusustansyang gulay ang lagi naming kinakain. 4. Pinakamatangkad si Nora sa magkakapatid. 5. Malaki ang apartment na inuupahan ni kuya. 6. Apat ang kapatid kong lalaki. 7. Sanay ako sa maingay na paligid. 8. Ako ang matanda sa aming magkakapatid. 9. Mabango ang amoy na bulaklak na Sampaguita. 10. Higit na matangkad si Vilma kaysa kay Nora.