Sagot :
Answer:
Iginiit ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko na mayroon ng batas na umiiral para sa mga mag-asawang nais maghiwalay kaya hindi na kailangang ipasa ang panukalang batas tungkol sa diborsiyo. Ang pahayag ay ginawa ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, kaugnay sa gagawing pagtalakay ng Kamara de Representantes sa panukalang batas na payagan ang diborsiyo sa Pilipinas. Paliwanag ng obispo sa panayam ng Veritas radio nitong Martes, hindi na kailangan ang divorce law dahil mayroon ng “legal separation," ang proseso ng paghihiwalay na dumaan sa Matrimonial Tribunal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. “Mayroon na ring annulment na legal ding proseso sa paghihiwalay ng mag-asawa. So kung mayroon na namang divorce law ay redundant na naman ang batas natin," paliwanag ng obispo. Gayunman, sinabi ni Medroso na walang monopolyo sa pagpapakita ng opinyon kaya dapat pa ring umanong pakinggan ang debate na gagawin sa Kamara tungkol sa isinusulong na divorce bill. Lumilitaw na tanging ang Pilipinas na lamang ang bansa sa mundo na walang batas tungkol sa diborsiyo. Pero pagdiin ni Medroso, ang kasal ay sagradong bagay sa pagsasama ng dalawang nagmamahalan kaya mahigpit na tututulan ng Simbahan ang diborsiyo. “Kapag ikaw ay kasal, nanunumpa ang babae at lalaki ng ‘till death do us part’. Ito ay sagradong kasunduan sa pagitan ng mag-asawa na kapag hindi magkakasundo ay dapat nilang resolbahing dalawa. If the husband and wife have misunderstanding they should resolve it together," payo niya. -
Explanation: