Sagot :
Answer:
HEOGRAPIYA AT ANG KABIHASNANG ROMAN
Naging mas mainam ang paglalakbay at pakikipagkalakalan sa kabihasnang Roman sapagkat hindi kasing tatarik ng mga kabundukan ng Greece ang bulubundukin sa Italian Peninsula. Para matugunan ang pangangailangan ng mga Roman mas maraming lupain din ang napagtamnan. Ang Italy ang napaligiran ng mga dagat. Nakatulong ang mga dagat sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Roman sa iba't ibang kabihasnan sa Mediterranean. Naging daan ang Ilog Tiber upang madaling maiangkat ang mga produkto sa Rome.
SINAUNANG ROME
1000-500 B.C.E. - Sa pagitan nito nagtatag ng mga sinaunang pamayanan sa Italian Peninsula ang tatlong pangkat ng tao. Ang mga Latin, Greek at Etruscan.
1000 B.C.E. - Nandayuhan ang pangkat ng mga Indo-European, ang mga Latin, sa Italy.
Latium - dito sa rehiyon na ito sila nanirahan. Sa magkabilang panig ng Ilog Tiber.
Latin - sila ang itinuring na mga unang Roman. Dahil sila ang nagtatag ng mga unang pamayanan sa Rome, sa Palatine Hill.
750-600 B.C.E. - nandayuhan at nagtatag ng mga kolonya ang mga Greek sa timog Italy at sa Sicily.
650 B.C.E. - sinakop ng pangkat na ito ang Latium.
ANG REPUBLIKA NG ROME
Patrician - sila ay mga maharlika at mga nagmamay-ari ng malalaking lupain
- mayroon silang karapatan na manungkulan sa pamahalaan
Plebeian - ay kabilang sa mga pamilyang huling nanirahan sa Rome
- magsasaka, manggagawa at mangagalakal
- wala silang karapatan na manungkulan sa pamahalaan
Pareho silang may karapatang maghalal ng pinuno at tungkuling magbayad ng buwis at maglingkod sa hukbong Roman.
PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG ROMAN
265 B.C.E. - matagumpay na napasakamay ng mga Roman ang buong Italian Peninsula maliban sa Po Valley.
Ninais ng mga Roman na maging makapangyarihan sa buong Mediterranean pagkatapos ng pananakop sa Italian Peninsula. Ninais din nilang makamit ang kontrol sa kalakalang pandagat. Para magawa ito, tinignan nila ang Sicily bilang mahalagang bahagi ng layuning imperyalista. Sa hangaring ito naging mahigpit na katunggali ng Republika ang matatag na Imperyong Carthagian.
Explanation:goodluck :>