Pinong mga salita aking ginagamit sa pagpapahayag ng aking
damdamin,
STORY ::
Magalang Ako
ni: Ronelyn P. Panes
Ako'y isang batang magalang palaging kinatutuwaan,
Turo ng aking mga magulang simula kabataan,
Dala-dala ko araw-araw kahit ako ay nasaan,
Po at opo mga salitang kaygandang pakinggan.
Pinong mga salita aking ginagamit sa pagpapahayag ng aking
damdamin,
Sa lahat ng kilos at gawa ako ay palaging mahinhin,
Ang mga bagay sa paligid aking gagalangin,
Sa pagsali sa usapan, pagkamagalang aking paiiralin.
QUESTION ::
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong katangian mayroon ang may-akda?
2. Anong magagalang na pananalita ang ginagamit niya?
3. Paano niya ipapakita ang paggalang sa kapwa?
4. Bakit kailangan nating maging magalang sa lahat ng oras?