👤

2 emperador na namuno sa silangan at kanlurang imperyo ng Roma​

Sagot :

Answer:

Si Augusto Cesar ay sinundan ng kanyang anak-ampon na si Tiberio Cesar. Si Tiberio ay naghari sa isang yugto kung saan payapa ang imperyo.

Ang paghahari ni Tiberio ay mapayapa sa simula ngunit naging delikado sa huli. Ito ay dahil sa kanyang pagpatay sa mga tinuring "traidor" at "rebelde".  

Dahil sa kagustuhan ng mga sundalo, si Claudio ay naging emperador. Naging mabuti rin siyang pinuno sa Roma ngunit hindi naging matagumpay sa pagtatag ng mabuting pamilya. Si Nero na sumunod sa kanya ay mas naging seryoso sa diplomasya, kalakalan at kultura ng Imperyo. Sa kanyang kamatayan noong 68, naalala siya bilang isang malupit na pinuno.

Sa pagpatiwakal ni Nero, isang digmaang sibil ang naganap dahil na rin sa kawalan ng lehitimong tagapag-mana ng trono. Noong 69, isang heneral na si Vespasian ang naging emperador at itinatag ang Dinastiyang Flavio. Naging mabuting pinuno si Vespasian kahit humihina na ang Senado.

Sinundan si Vespasian ni Tito (isa ring heneral nang una), na naghari ng maikling panahon lamang at namatay noong 81 AD,. Sinundan si Tito ni Domitian, isang malupit at diktador na pinuno na pinatay noong Setyembre ng 96 AD.

Sa sumunod na siglo ang "Limang Mabuting Emperador" ang nangasiwa, ito ay sila:

Nerva - muling binalik ang kahalagahan ng Senado ng Roma

Trajan - pinalaki ang imperyo; sa kanyang panahon nakamit ng imperyo ang pinakamalaking hawak na territoryo

Hadrian - tinaas ang depensa sa mga territoryo nakuha ni Trajan

Antoninus Pius - mapayapa

Marcus Aurelius - huling emperador ng Pax Romana; nagsimulang lumusob ang mga barbaro sa hilaha.

Si Cesar Augusto, Caesar Augustus, Augustus Caesar, o Imperator Caesar Divi filius Augustus (Setyembre 23, 63 BCE–Agosto 19, 14 CE), ipinanganak Gajus Julius Caesar Octavianus Augustus at kilala bilang Octavianus sa mga mananalaysay sa unang bahagi ng kaniyang buhay bago mag-27 BCE, ay ang kauna-unahan at itinuturing na isa sa pinakamahalagang Emperador Romano (naging emperador sa Roma mula 30 BK hanggang 14 AD. bagaman iminaliit niya ang kaniyang sariling posisyon sa pamamagitan ng pagpili ng kinaugaliang titulong oligarkiyang na princeps, madalas sinasalin bilang “unang mamamayan”. Bagaman ipinanatili niya ang panlabas na anyo ng Republikang Romano, namuno siya bilang isang awtokrata nang higit 40 taon. Winakasan niya ang isang dantaon ng digmaang sibil at binigyan ang Roma ng isang kapanahunan ng kapayapaan, kasaganaan, at imperyal na kadakilaan. Ang kapayapaang ito ay tinaguriang Pax Romana o Kapayapaang Romano. Kahit man mayroon paring mga digmaan sa hangganan ng impero, ay isang digmaang sibil na naganap, ang rehiyong Mediterraneo ay naging payapa sa dalawang siglo. Pinalaki ni Augustus ang Imperyo Romano, sinigurado ang mga hangganan ng imperyo at nakipag-kasundo sa Parthia.

Sa kaniya ipinangalan ang buwan ng Agosto, at sinasabi ring ninuno niya ang maalamat na bayaning Aeneas ng epikang Aeneis ni Vergilius.

Si Tiberio Julio César Augusto, na ipinanganak bilang Tiberio Claudio Nero (Nobyembre 16, 42 BC – Marso 16 AD 37), ang ikalawang Emperador ng Roma mula sa pagkamatay ni Augustus na unang emperador hanggang sa kanyang kamtayan noong 37. Ang kanyang ina ay hiwalay sa kanyang ama at muling nagpakasal kay Octavian Augustus noong 39 BC. Si Tiberius ay nagpakasal sa anak na babae ni Augustus na si Julia ang Nakatatanda at kalaunan ay inampon si Tiberio ni Augustus na siyang naging dahilan kung bakit siya ay naging isang Julian.

Ang dinastiyang Julio-Claudio ay binubuo ng unang limang emperor ng Roma: Augusto, Tiberio, Caligula, Claudio, at Nero. Pinamunuan nila ang Imperyong Romano mula sa pagkakabuo nito sa ilalim ng Augusto noong 27 BK hanggang AD 68, nang magpakamatay ang huli sa linya, si Nero. Ang pangalang "Julio-Claudio" ay isang salitang pangkasaysayan na nagmula sa dalawang pamilya na binubuo ng dinastiyang imperyal: ang Julii Caesares at Claudii Nerones. Ang tagapagtatag nito na si Augustus Caesar ay may dugong Julian sa pamamagitan ng kanyang lola sa ina na si Julia Caesaris. Siya ay naging Julian sa pangalan na Gaius Julius Caesar "Octavianus" dahil sa pag-ampon ng kanyang dakilang tiyuhin na si Gaius Julius Caesa.

Explanation:

Sorry kung mahaba