👤

Gawain 4: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang mga magagalang na pananalita
na angkop sa bawat sitwasyon.
1. Nagluto ang iyong ina ng adobong manok, ngunit sa iyong panlasa ito ay
matabang paano mo ito sasabihin sa kanya?
2. Nag-uusap kayong magkakaibigan tungkol sa pagkakaiba-iba ng inyong
relihiyon. Ano ang maaari mong sabihin sa kanila sa pagbabahagi ng iyong
opinyon?
3. Inuutusan ka ng iyong kuya na diligan ang halaman sa bakuran ngunit may
tinatapos ka pang takdang-aralin. Ano ang isasagot mo sa kanya?
4. Napansin mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa ilog at alam
mong ito'y bawal, paano mo siya kakausapin o pagsasabihan?
5. Nasira ang iyong bagong biling telebisyon at nais mo itong ibalik sa pinagbilhan
mong tindahan, paano ang pakikipag-usap na gagawin mo?




pls pa help​


Sagot :

Answer:

1. kakausapin ko sya ng maayos at sasabihin ko sa kanya na matabang ang kanyang nilutong adobo.

2. sa aking opinion, sasabihin ko sa kanila na kahit na magkaiba tayo ng relihiyon, pare-pareho lang naman tayong tao at iisa lang naman ang ating sinasambang diyos. at iyon ay ang lumikha sa ating lahat at sa buong mundo. kaya pantay pantay lang tayong lahat.

3. sasabihin ko sa kanya na kailangan ko pang tapusin ang aking takdang aralin. kaya mamaya ko na lang gagawin ang inuutos nya pag natapos ko na ang aking takdang aralin.

4.aayain ko sya sa tahimik na lugar at doon ko sya kalausapin ng maayos. at sasabihin ko sya kanya na bawal magtapon ng basura sa ilog. dahil nakakasira ito ng kalikasan at nagdudulot ito ng pag baha sa aming lugar.

5.kalausapin ko sya ng maayos at mahinahon at sasabihin ko sa kanya na sira ang telebisyong nabili ko sa kanya.