Sagot :
Answer:
Maraming mga skolar ay naniniwalang ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng Zoroastrianismo.[163][164][165] Ang Zoroastrianismo ay kalaunang nakaimpluwensiya sa Kristiyanismo at Islam dahil sa malakas na impluwensiya ng Hudaismo sa parehong relihiyong ito. Kabilang sa mga paniniwala ng relihiyong Zoroastrianismo na matatagpuan rin sa Hudaismo o Kristiyanismo ang mga puripikasyon, mga saserdote, mito ng paglikha, mga anghel, mga demonyo, paglitaw ng isang Mesiyas o Tagapagligtas na bubuhay muli ng mga namatay (resureksiyon) at hahatol sa wakas ng panahon, pagtalo sa masama ng mabuti, ang ideya ng monoteismo, walang hanggang buhay at marami pang iba. Marami ring mga skolar ang naniniwala sa posibilidad na ang Budismo ay nakaimpluwensiya sa simulang pag-unlad ng Kristiyanismo.
Explanation:
i hope nakatulong