Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung TAMA O MALI ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 2 1. Kailangan ng dalawang pangkat na may magkaparehong bilang kung maglalaro kayo ng patintero. 2. Sa paglalaro ng patintero, kailangan ng maliit na espasyo para makapagtakbuhan at makapanaya. 3. Tatayo sa mga iginuhit na linya ang pangkat na tayâ. 4. Ang maaaring tumayà sa likod ng kahit sinong 'kalaban ay ang lider o pinuno lamang. 5. Magpapalit ng tayang pangkat kung may natapik na bahagi ng katawan ng miyembro ng pangkat na umaatake.