👤

paano nakatutulong ang kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay?​

Sagot :

Answer:

dapat may sarili Lang kakayahan at katalinuhan

Explanation:

Nakatutulong ang kasanayan (skill) at kaalaman (knowledge) sa pagsulat ng replektibong sanaysay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

aang sapat na kaalaman tungkol sa paksang sinusulat ay nakatutulong upang maging epektibo, komprehensibo, at detalyado ang iyong replektibong sanaysay. Upang maniwala ang mga mambabasa mo, nararapat na may sapat na kaalaman ka sa paksang tinatalakay mo. Kung kulang ang nalalaman o pananaliksik ukol sa sanaysay mo, hindi magiging kaiga-igaya ang kalalabasan ng iyong sulatin. Ngunit kung malawak ang iyong nalalaman at saliksik na ginawa, magiging makabuluhan ang sanaysay mo.

Ang kasanayan sa pagsulat ay malaking salik din sa kalalabasan ng pagsulat ng replektibong sanaysay. Ang mga kasanayan na kinakailangan mo ay: tamang pagbabaybay, tamang paggamit ng mga bantas, angkop na paggamit ng mga salita, paggamit ng tamang laki o liit ng titik, malawak na bokabularyo. Bukod dito, kailangan mo ring taglayin ang kasanayan sa paglalahad ng iyong mga ideya sa maayos na paraan. Dapat tama ang pagkasusunod nang sa gayon ay maintindihan ka ng mga mambabasa ng replektibong sanaysay mo.