GAWAIN I: Pagbibigay-kahulugan A. PANUTO: Isulat sa sagutang-papel ang kasingkahulugan ng bawat salitang nasalungguhitan sa loob ng bawat pangungusap. Piliin sa kahon sa ibaba ang tamang kasagutan. Halimbawa: 1. Nag-aatubiling sumugod si Tenyong sa mga kalaban dahil wala silang mga armas na baril. SAGOT: Nag-aatubili-nagdadalawang-isip,nag-aalinlangan 2. Umiibig nang wagas si Tenyong kay Julia. SAGOT: wagas- tunay,tapat 1. Ang tanging hiling ng mga Pilipino noong panahon ng himagsikan ay lubayan sila ng mga dayuhan. 2. Nakagayak na si Julia at Tenyong nang dumating ang kaibigang si Lucas. 3. Dahil sa lupit ng mga dayuhan namugad ang galit sa puso ng mga Pilipino. 4. Walang gunam-gunam na ipinahayag ng binata ang galit sa mga prayle. 5. Si Julia ay nagmamaktol na humarap sa manliligaw na si Miguel. 6. Hinikayat ni Aling Juana na magpakasal si Julia kay Miguel. 7. Bata pa sina Tenyong at Julia ay may salitaan na kaya dapat silang pakasal. 8. Ayaw ni Tenyong na magbasag-ulo kaya nag-isip siya ng mainam na paraan upang pigilan ang kasalan. 9. Walang lubay ang pag-iyak ni Julia nang inakala niyang patay na si Tenyong 10. Masama ang loob ni Julia dahil pinabayaan siyang maparool ni Tenyong.