Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA O MALI. Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at palitan naman ang may salungguhit na salita kung ito ay MALI. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Si Mansa Musa ay isa mga naging pinuno ng Imperyong Mali, siya ay nagpatayo ng mga mosque o pook dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. 2. Ang Imperyong Ghana ang kauna-unahang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. 3. Matatagpuan ang sentro ng Ghana sa Rehiyong tinatawag na Timbuktu. 4. Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Kristyanismo ay unti- unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa. 5. Si Sunni Ali ay ang unang hari ng Imperyong Songhai at ang ika-15 pinuno ng dinastiyang Sonni.