Para sa mga bilang 4-6, sumangguni sa sanaysay sa ibaba. Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa'y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa ngayon, anak, ako muna'y patawarin. Ngunit balang araw sana'y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo. Halaw sa Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin Ano ang paksa ng binasang sanaysay? A. Pagpapatawad ng anak sa ginawa ng ina. B. Pagmamahal ng ina sa anak kaya't tiniis nitong mapalayo. C. Pagmamakinilya ng ina para matustusan ang pangangailangan ng anak. D. Pag-aalis ng bahay ng ina at gabi na kung umuwi sa kanilang bahay. 5. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang A. Isa-isahin ang pagkukulang ng ina. B. Ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina. C. Ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina. D. Makonsensya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak. 6. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay: A. pantahanan lamang. C. katuwang sa paghahanapbuhay. B. Abala sa labas ng tahanan. D. aktibong bahagi ng lipunan. Para sa mga bilang 7-10, pakisangguni sa bahagi ng sanaysay sa ibaba. Para sa bilang 7 -10. "Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit naming sa pagpasok at pagpunta sa mga lakarin. Kung saan ang bakya na gamit sa kahoy ay hindi dapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Nalungkot ako dahil inisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. 7. Kung susuriin, anong katangian ng isang mahusay na tagapagsalaysay ang taglay nito? A. Ito ay napapanahon. B. Mahusay ang sumulat. C. Kawili-wili ang paraan ng pagkasulat. D. Ito ay pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagsasalaysay. 8. Sa sanaysay, anong kaisipan ang nais iparating nito? A. Katapatan sa bayan C. Pagpapahalaga sa kanyang kapwa. B. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba D. Mahusay na pakikitungo para sa kanyang kapwa kabataan. 9. Ano ang layunin ng sumulat ng sanaysay sa itaas? A. maglibang B.manuligsa C. magturo D. magpabatid 10. Ano naman ang ng paraan ng manunulat sa pagbuo ng sanaysay? A. lumilibang B. naglalarawan C. nagsasalaysay D.nakikipagtalo